DUMPTRUCK

Una kong naranasang hipan ang kandila sa isang cake nung wala pa akong muwang sa mundo. Base lamang iyon sa larawan at kuwento nga mga magulang ko. After noon ay sa iba’t ibang paraan ko ginagamit ang espesyal na araw kong minsan lang sa isang taon.

Naranasan kong ilibre ang pinsan ko at ang katrabaho niya sa isang pharmacy ng isang litson manok(9 yrs. old ako nun). Pero madalas na kumakain lang ako kasama ang mga magulang at mga kapatid ko sa bahay. Naranasan ko na ring sumabay lang sa handaan ng tropa ko na iba ang okasyon pero nagdadagdag na lang ako ng pambili ng alak(kasabay noon ang pagrereklamo ko sa punyetang fastfood chain na iyon). Pero madalas na pinalilipas ko lang ang kaarawan ko sa loob ng computer shop. 10hrs na walang humpay sa paglalaro(ihi lang ang pahinga).

Boring, malungkot, minsan mag-isa, minsan walang handa. 

Okay lang sa akin kahit walang regalo, dahil masaya na ako kahit batiin lang ako. Kahit walang lang party basta naaalala ako nga mga mahahalagang tao sa buhay ko ay masaya na ako.

Pero ang pinakamasayang birthday ko ay naganap sa piling ng taong mahal ko. Sa kaunaunahang pagkakataon ay naranasan kong hipan ang apoy nagmumula sa kandila sa ibabaw ng isang cake ng may muwang na ako sa mundo. Nakaramdam ako ng kakaibang saya. Saya na napakahirap ipaliwanag.

Salamat Isabell Zuñiga, mahal na mahal kita.